There's one history book I hope every Filipino could get their hands on - " Discourses of the Devil's Advocate and Other Controversies " - but unfortunately it is very hard to find. The Philippine history books available doesn't tell some of the hard facts especially about the Second World War and the book above-mentioned relates some of the sugar-coated version or as the author termed it, consuelo de bobo, to make it appear that what our war veterans died for was for the our freedom and portrayed our so-called white brothers the saviors.
Interestingly, I couldn't find a copy of President Quezon's speech condemning the "betrayal" of our country (in his own words) - " The United States has practically doomed the Philippines to almost total extinction to secure a breathing space ".
I am not anti-American - worshiped Hollywood ever since I was a kid. I just wanted people to know their rightful place in history - that we were not the savages that needed to be civilized by the Spanish conquestadores. Our country had a civilization thousands of years before they came to conquer our country and we have the Banaue rice terraces to prove that our ancestors knew engineering and agriculture.
We are not the Indio of the Spaniards, nor the bolo-wielding niggers to the American invaders, or the brown monkeys and 3-holers as former bases' GI's branded us. We are Filipinos. We are Asians, and we were a part of the ancient civilization that existed thousands of years before the white invaders came to colonize and ravaged our countries. As Gandhi used to say, "We owe nothing to these countries whose civilization was founded on stolen riches and knowledge."
Isang itong malungkot na katotohanan
Tayong mga Pinoy lihis ang kaalaman
Ating kinilala banyagang si Magellan
Na siyang nakadiskubre sa ating bayan
Hindi na pinahalagahan ng mga historian
Wala pa sila dito, tayo ay may kalayaan
Daang taon na tayo ay nakikipagkalakalan
Sa mga lahing Tsino, Indones at Malayan
Ano ba't nabighani ang ating mga katutubo
Sa mapuputing balat ng mga banyagang sugo
Bitbit ang Biblia at ang isang bagong relihiyon
Ang lupa at kalayaan ipinagpalit sa bendisyon
Marami din naman ang nagtangkang lumaban
Mula kay Lapu-Lapu hanggang sa Katipunan
Ating kalayaan na sana ay atin nang natamo
Pabalatkayong ninakaw sa atin ng mga Kano
300 daang taon abot kamay na ang kalayaan
Panibagong mananakop ang bayan ay nalinlang
Bayan ay nagulo sumiklab bagong himagsikan
At muling nasulat sa dugo ang ating kasaysayan
Higit na mabangis, at walang awang pinaslang
Bata man o matanda na sa kanila ay lumaban
Sa Bud Dajo, Bud Bagsak at pati sa Balanginga
Dumanak ang dugo, ang bayan ay muling naulila
50 taon bigkis ng bagong tanikala tayo ay tinuruan
Nang mga Thomasites na nagtayo ng mga paaralan
At sinilaw ang mga Pinoy sa huwad na karangyaan
Minina ang yamang ginto, bayan ay ninanakawan
Di naglaon tayo ay nadamay sa kanilang digmaan
Tatlong taon na nagdusa, ang bayan ay pinabayaan
Inunang iniligtas kanilang mga kalahi sa silangan
At nang tayo'y mapalaya tayo pa ang may utang
Matapos ang digmaan bayan ay nabaon sa kahirapan
Subali't una pang tinulungan ang mga dating kalaban
Mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan
Kailangan pa nilang manikluhod para sila ay tulungan
Ngayon ating bayan, pitong dekada na ang nakaraan
Ay hindi pa rin nagbabago ang ating mga kaisipan...
Isip-talangka, pawang sa sarili at walang pakialam
Ang tanging gusto ay pumuti at mangibang-bayan
No comments:
Post a Comment